Bilang tugon sa dumaraming ulat ng kriminalidad na iniuugnay sa mga iligal na POGO, ipinag-utos na ni Speaker Martin Romualdez ang pagkakaroon ng komprehensibong congressional investigation ukol dito.
Aniya ang hakbang na ito ay pagsuporta sa pamahalaan na labanan ang iligal na mga aktibidad at masigurong naipapatupad ng tama ang kasalukuyang mga batas at regulasyon.
Aminado ang House leader na nababahala siya sa patuloy na operasyon ng iligal na mga POGO.
Mahalaga din aniya na matukoy ang mga protektor ng iligal na POGO at sila ay panagutin.
“We cannot allow these rogue POGO operators to persist in their illicit actions. It is imperative that we identify and unmask the masterminds and protectors behind these operations so they can be prosecuted to the fullest extent of the law,” saad niya
Partikular na sisilipin ng imbestigasyon ang mga krimen gaya ng money laundering, human trafficking, at iba pang iligal na aktibidad upang maitama ang butas sa regulasyon at batas kung mayroon man.
“Establishing the identities of those responsible for protecting and facilitating these illegal operations and ensuring they are held accountable is a priority. Ensuring the protection of local communities and individuals affected by the illegal activities of rogue POGO operators is crucial,” sabi pa ng House Speaker
Punto pa ng lider ng kamaram hindi lang ito usapin ng tamang pagpapatupad ng batas kundi pag-protekta sa ekonomiya ng bansa at ng publiko mula sa masamang epekto ng criminal enterprises.
“We owe it to our citizens to ensure that the rule of law prevails and that criminal elements exploiting our system are brought to justice. This investigation is a crucial step towards restoring order and reinforcing the public’s trust in our institutions,” ani Romualdez. | ulat ni Kathleen Forbes