Itinuturing ng kampo ni suspended Bamban Tarlac Mayor Alice Guo na mahina ang mga ebedensya ng Presidential Anti Organized Crime Commission sa kasong qualified human trafficking na isinampa ng mga ito.
Sa preliminary investigation kanina ng Department of Justice, kinwestyon ni Atty. Alex Avisado ang mahihinang ebendeysa na inihain ng PAOCC at PNP Criminal Investigation Group.
Sabi nya, ang krimen ay dapat kinapapalooban ng patunay ukol sa transportasyon o pagpapalusot ng sinuman para sa prostitusyon, exploitation at forced labor na hindi naipakita ng mga awtoridad
Mga dokumento lamang tulad ng bill ng kuryente, letter of no objection at articles of incorporation ang batayan ng reklamo at malayo sa reasonable certainty of conviction.
Sa July 22 ng alas 2 ng hapon muling itinakda ang susunod na preliminary investigation kung saan inaasahang magsusumite ng kanyang counter affidavit si Mayor Alice Guo. | ulat ni Michael Rogas