Aminado si senadora risa hontiveros na naghigpit na siya ng kanyang seguridad sa gitna ng pangunguna niya sa imbestigasyon sa mga iligal na POGO sa bansa.
ang pahayag na ito ng senadora ay sa gitna ng pagkakatanggap ng ilang tauhan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) at mga testigo laban sa POGO ng mga banta sa kanilang seguridad at buhay.
Ayon kay hontiveros, mayroon naman siyang nakalatag na security at nagiging maingat rin siya habang ginagampanan ang pagtupad ng kanyang trabaho.
Nagiging maagap naman aniya sila lalo na kapag nagiging mainit ang mga imbestigasyon nila sa senado.
Tiniyak rin ng senadora na patuloy nilang minomonitor ang kanilang seguridad.
Pero umaasa si hontiveros na hindi na aabot sa magkakaroon pa ng banta rin sa kanyang seguridad o buhay. | ulat ni Nimfa Asuncion