Aminado si trade Sec. Alfredo Pascual na kulang pa ang mga eksperto sa bansa pagdating sa AI technology.
Lalo na aniya at naka plano na ang Center for AI Research ng bansa kung saan kakailangan nito ng mga empleyado at trabahante.
Paliwanag ng kalihim na bagamat maraming highly trainable na indibidwal na maaring magsanay sa AI dito sa Pilipinas ay kulang naman aniya yung mga may kakayahan na para tumao sa opisina na nakatutok sa AI.
Giit ni Pascual, dapat simulan na ng mga kolehiyo sa bansa na mag train ng mga estudyante sa larangan ng data science at artificial intelligence para madagdagan ang eksperto sa bansa pagdating sa AI. | ulat ni Lorenz Tanjoco