Paglulunsad ng P29 Rice program, suportado ng House Speaker

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpahayag ng buong suporta si House Speaker Martin Romualdez sa P29 Rice Program ng Marcos Jr. Administration.

Ayon sa House Leader, ipinapakita nito ang dedikasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na maibsan ang epekto ng inflation at tugunan ang food security.

“Offering rice at P29 per kilo to our most vulnerable citizens is a vital step in reducing hunger and improving the quality of life for millions of Filipinos.” sabi ni Speaker Romualdez

Sinimulan ngayong araw ang large-scale trial ng programa sa 10 lugar sa Metro Manila at Bulacan.

Mabibili ang bigas sa halagang P29 kada kilo ng vulnerable sector gaya ng mga benepisyaryo ng  Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), senior citizens, persons with disabilities (PWDs), at solo parents.

Kada benepisyaryo ay makakabili ng naturang bigas tuwing Biyernes, Sabado at Linggo na 10 kilo para sa isang kabahayan kada buwan.

Bawat trial site ay makakatulong sa may 60,000 kabahayan kada buwan.

Mangangalap naman ng mahahalagang datos ang pamahalaan sa kasagsagan ng trial, upang masiguro ang mas maayos na pag-roll out nito sa buong bansa hanggang sa makamit ang rice self-sufficiency pagsapit ng 2028.

“In the coming months, the government aims to double the number of distribution sites and extend this initiative to the Visayas and Mindanao, ultimately reaching 6.9 million families across the country,” sabi pa ng House Speaker.

Kinilala rin ni Romualdez ang nakaumang na “rice-for-all” program, kung saan maaaring mabili ang bigas sa presyong P45 hanggang P48.

Matatandaan na sa naging pulong ni Romualdez at iba pang House leaders sa Philippine Rice Industry Stakeholders Movement (PRISM), sinabi ng grupo na maaaring maibaba ng hanggang sa P42 ang kada kilo ng bigas bilang resulta ng pagpapababa ng rice import tariff sa 15 percent mula sa 35 percent. | ulat ni Kathleen Forbes

📸Sec. Francisco Tiu Laurel FB

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us