DHSUD at Clark Development Corporation, magtutulungan para sa pagtatayo ng 50,000 housing units sa Clark Pampanga

Facebook
Twitter
LinkedIn

Lumagda sa kasunduan ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at Clark Development Corporation (CDC) para sa pagtatayo ng 50,000 housing units sa Clark, Pampanga.

Layon ng proyekto na matugunan ang pangangailangan ng pabahay sa bansa at mapalago ang ekonomiya sa Clark.

Ang Memorandum of Understanding (MOU) ay nilagdaan nina DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar at CDC President at CEO Atty. Agnes Devanadera sa Quezon City.

Ayon kay Secretary Acuzar, ang Clark ay isang ideal na lugar para sa mga township developments dahil sa mga modernong imprastraktura nito at malapit sa Metro Manila.

Dagdag pa ng kalihim, ang paglikha ng mga oportunidad sa ekonomiya sa Clark ay makakaakit ng mas maraming mga negosyo, manggagawa, at residente, na makatutulong sa paglutas ng urbanisasyon.

Nagpasalamat naman si CDC President Atty. Devanadera sa DHSUD sa kanilang suporta sa mga inisyatibo ng CDC para sa mga pabahay. | ulat ni Diane Lear

Photos: DHSUD

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us