Pinapurihan ngayon ni House Deputy Majority Leader Janette Garin si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at si Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman sa pagbibigay katuparan na mabayaran na ang nalalabing health emergency allowance ng healthcare workers na nagtrabaho noong pandemiya.
Ani Garin, ang daming pangako na allowance para sa mga healthcare worker noong pandemya ngunit hindi naman naibigay.
Katunayan ang laki pa aniya ng inutang ng gobyerno para dito ngunit pangakong napako lang ang nangyari.
Naipasa pa nga aniya ang responsibilidad na ito sa kasalukuyang administrasyon na ngayon ay matutupad na.
“Well, we really laud that. Kasi sa totoo lang, ang daming promises ng health allowances nung panahon nung pandemya. And, napakalaki ng inutang, billions, 192 billion ang inutang. Pero, yung budget para sa ating mga healthcare workers ay wala naman. So, it was all mouthing promises. It was all sweet talk during the previous administration na ito ang mga benepisyo ng health workers. Pero hanggang salita lang, walang aktual. And that burden was passed on to the current administration. So, we laud the President and Secretary Amenah na nabigyan na ito ngayon ng solusyon.” sabi ni Garin
Ngayong araw inilabas ang nalalabing P27 billion para sa COVID-19 health emergency allowance (HEA) ng nalalabing 5,039,926 na hindi pa nababayarang health emergency allowances at 4,283 COVID-19 Sickness at Death Compensation claims ng eligible healthcare at non-healthcare workers. | ulat ni Kathleen Forbes