Pagpapahusay ng teknolohiya ng Bureau of Immigration sa pagtukoy ng pagkakakilanlan ng mga labas-pasok sa Pilipinas, ipinanawagan ni Sen. Gatchalian

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iminumungkahi ni Senador Sherwin Gatchalian sa Bureau of Immigration (BI) na paghusayin na ang kanilang teknolohiya sa pag-match ng mga identities ng mga dayuhang pumapasok at lumalabas ng bansa.

Ito ay kaugnay sa kaso ng kapatid ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na si Wesley Guo na isa ring Chinese na napag-alamang sa loob ng ilang taon ay palitan lang nagagamit ang kanyang Chinese at Filipino passport sa pagpasok at paglabas ng Pilipinas.

Aminado si Gatchalian na mahina pa talaga ang teknolohiya ng Pilipinas at panahon nang magkaroon tayo ng makabagong biometrics tulad ng facial at fingerprint recognition.

Sa tulong aniya nito ay tiyak na mapa-flag agad ang sinumang kahina-hinalang papasok sa bansa.

Pinunto ng senador na maraming bansa na sa mundo ang hindi na gumagamit ng passport, bagkus, facial recognition na lang ang gamit kung saan lalabas na ang pangalan at iba pang detalye ng isang tao.

Nanawagan rin si Gatchalian sa BI na i-flag na ang kapatid ni Mayor Alice na si Wesley Guo o si Guo Xiang Dian lalo’t aktibo pa rin ang kanyang pekeng Birth Certificate at Philippine passport. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us