Planong pag-hire ng US firms ng Pinoy seafarers, patunay sa kakayanan ng mga Pilipinong mandaragat

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ikinalugod ni House Committee on Overseas Workers Affairs ang anunsiyo ng ilang kumpanya sa US na balak nilang kumuha at mag-hire ng nasa 75,000 Filipino seafarers.

Para sa mambabatas, patunay lamang ito sa kakayanan ng mga Pilipinong mandaragat at ang kumpiyansa ng international community sa ating mga manggagawa.

Bukod dito ay ipinapakita nito ang bunga ng pagtutulungan ng pamahalaan at pribadong sektor na maisaayos ang maritime industry ng bansa.

Sa pulong ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasama ang US employers ay sinabi ni John Padget, President at CEO ng Carnival Corp., na nais nilang i-hire ang Filipino workforce dahil sa kanilang hospitality at competitiveness.

“This is truly a momentous occasion for our seafarers and the entire maritime industry,” Salo said. “This development not only underscores the skills and expertise of our Filipino seafarers, but also highlights the confidence of the international community in our workers. This is a testament to the government’s unwavering commitment in providing our seafarers with better opportunities and a brighter future.” ani Salo.

Nagpasalamat naman ang KABAYAN Party-list solon kay Pangulong Marcos at Speaker Martin Romualdez sa patuloy na pagsusulong ng employment opportunities para sa Pinoy seafarers.

Umaasa rin ang kinatawan, na lalo pang yayabong ang kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas at US sa pagbibigay ng trabaho sa mga OFW.

“The hiring of 75,000 Filipino seafarers by US firms also highlights the strong partnership between the Philippines and the United States. I am confident that this partnership will continue to flourish and bring more opportunities for the country’s seafarers in particular, and to the whole country in general. I would also like to express my sincerest gratitude to President Bongbong Marcos and House Speaker Martin Romualdez for their unwavering support in making this milestone possible. Their leadership and commitment to the welfare of our overseas Filipino workers have been instrumental in securing this opportunity for our seafarers,” ayon sa kinatawan. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us