Taos-pusong nagpapasalamat si Lanao del Norte Governor Imelda Quibranza-Dimaporo sa walang batid na suporta ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa sektor ng agrikultura sa lalawigan.
Ito ay matapos personal na ibinahagi ng Pangulo ang titulo ng lupa sa 2,857 agrarian reform beneficiaries (ARBs) sa rehiyon ng Northern Mindanao, at mahigit ₱2-milyon farm machineries and equipments (FMEs) sa lalawigan nitong Hulyo 5, sa Mindanao Civic Center (MCC) Gymnasium, sa bayan ng Tubod.
Ayon sa gobernadora, patuloy ang pamahalaan sa pakikipagkatuwang upang bumuo ng isang mas matatag na bansa, komportable, at ligtas na pamumuhay para sa lahat.
Aniya pa, ito ang patunay ng dedikasyon ng pamahalaan sa pag-angat ng buhay ng mga manggagawang pang-agrikultura na walang sawang kumayod para mag-hanapbuhay at mag-ani para sa ekonomiya.| ulat ni Sharif Timhar| RP1 Iligan