Higit 600 kabataan, nakinabang sa libreng Operation Tuli ng Taguig LGU

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mahigit sa 600 kabataang Taguigeño mula sa pitong barangay sa lungsod ng Taguig ang matagumpay na sumailalim sa libreng circumcision services na alok ng Taguig LGU sa ilalim ng “Operation Libreng Tuli.”

Ang programa, na isinagawa mula ika-1 hanggang 6 ng Hulyo, ay ginanap sa Upper Bicutan National High School, Post Proper Northside Barangay Hall, West Rembo Elementary School, Tipas National High School Annex, Taguig Integrated School, at Central Signal Gymnasium.

Ang Operation Libreng Tuli ay taunang inisyatiba ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig, sa pangunguna ni Mayor Lani Cayetano, na layong magbigay ng libre at ligtas na pagtutuli.

Pinangunahan ito ng Medical Assistance Office, kasama ang mga doktor, nurse, at iba pang medical personnel.

Magpapatuloy ang Operation Libreng Tuli sa iba pang barangay sa mga sumusunod na petsa: Hulyo 8 sa Pinagsama, Hulyo 9 sa Bambang at Wawa, Hulyo 10 sa South Signal, Hulyo 11 sa Fort Bonifacio, at Hulyo 12 sa North Daanghari. Para sa karagdagang impormasyon at schedule, bisitahin ang Facebook page ng Taguig LGU na I Love Taguig.| ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us