Isinanlang lupa, nakikitang motibo ng Pulisya sa pagpatay sa Kapampangan beauty queen at Israeli national sa Tarlac — CIDG

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isinanlang lupa. Ito ang tinitingnang motibo ng pulisya sa pagpatay sa Kapampangan beauty queen na si Geneva Lopez at nobyong Israeli national na si Yitzhak Cohen.

Ayon kay Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Chief Major General Leo Francisco,
binabawi na ng suspek ang isinanlang lupa kay Lopez dahil mayroon nang bibili.

At nang kitain ang buyer, dito na umano binaril ng dalawang dating pulis ang magkasintahan sa loob ng sasakyan na kapwa nagtamo ng tig-dalawang tama ng bala.

Matatatandaang nahukay sa quarry site sa Bgy. Sta. Lucia, Capas, Tarlac ang mga bangkay ng nawawalang Kapampangan beauty queen at kasintahang Israeli national noong Sabado ng umaga. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us