‘Takbo para sa West Philippine Sea,’ hinirang na malaking tagumpay ng NSC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpasalamat ni National Security Adviser Secretary Eduardo Año sa lahat ng nakilahok sa “Takbo para sa West Philippine Sea” sa Pasay City noong July 7.

Sa isang statement, sinabi ng kalihim na ang tagumpay ng aktibidad na nilahukan ng 7,000 mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ay pagpapakita ng “patriotism” at pagkakaisa sa pagsuporta sa pagtatanggol ng karapatan ng bansa sa West Philippine Sea.

Sinabi ng kalihim na ang pakikilahok ng napakaraming indibidwal ay nagsisilbi din bilang morale booster para sa lahat ng tauhan ng Philippine Coast Guard at Armed Forces of the Philippines na nagtatanggol sa maritime sovereignty ng bansa.

Ang aktibidad ay inorganisa ng RUNRIO Inc., ksama ang Philippine Coast Guard, National Task Force for the West Philippine Sea, Philippine Information Agency, at Presidential Communications Office.

Sinabi ni Año na inaasahan pa ang mas malawak na partisipasyon ng mga mamamayan sa susunod na yugto ng “Takbo para sa WPS” sa Cebu sa August 4, at sa Cagayan de Oro sa September 8.  | ulat ni Leo Sarne

📸: PIA

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us