Party-list solon, sinuportahan ang bagong polisiya ng DILG na mag-recruit ng mga babaeng tanod

Facebook
Twitter
LinkedIn

Suportado ni Bicol Saro Party-list Representative Brian Yamsuan ang ibinabang kautusan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na humihimok sa pagkuha ng mga kababaihan na magsisilbi bilang barangay public safety officers o ‘tanods.’

Aniya ang hakbang na ito ni DILG Secretary Benhur Abalos Jr. ay titiyak na epektibong makakatugon ang barangay sa mga kaso na may kinalaman ang mga kababaihan at kabataan.

Paraan din aniya ito ng pagsusulong ng gender equality at women empowerment at participation.

“Complaints in which women and children are the victims, such as those involving abuse and violence, are better handled by female barangay public safety officers or ‘tanods,’ ” saad ni Yamsuan na dating DILG assistant secretary.

Punto ng mambabatas makapagbibigay ng ibang perspektibo ang mga female tanod lalo na pagdating sa paghawak ng mga reklamo.

Sa panahon din aniya ng kalamidad, makapagbibigay ng emotional support ang mga babaeng tanod sa mga distressed na kababaihan at mga bata maliban pa sa dagdag tulong para sa search ang rescue operations.

Salig sa DILG Memorandum Circular (MC) 2024-086 nakasaad na highly encouraged ang mga lokal na pamahalaan na mag-recruit ng mga kababaihan para maging Barangay Tanod. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us