Nanawagan si House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Partylist Rep. France Castro sa mga kasamahan sa Kamara na talakayin at pagtibayin na ang limang panukala na layong mapababa ang presyo ng produktong petrolyo.
Kabilang sa Lower Oil Prices Bill Package ang House Bill 400 o Lower Oil Price Bill, House Bill 3003 o renationalize Petron, House Bill 3004 o unbundling ng oil prices, House Bill 3005 para sa centralized procurement ng petrolyo, at House Bill 3006 para i-regulate ang downstream oil industry.
Hirit pa ni Castro na dapat maging prayoridad ang naturang mga panukala lalo na at oras na mapababa mag presyo ng produktong petrolyo ay mapapababa rin ang presyo ng iba lang bilihin.
Epektibo nitong July 9 ang ikaapat na linggo ng price increase sa gasolina, kerosene at diesel.
“As we face the fourth consecutive week of increases in pump prices, it’s clear that urgent action is needed. These price hikes don’t just affect transportation; they inflate the costs of basic goods and services, further burdening our already struggling populace,” saad ni Castro. | ulat ni Kathleen Forbes