Nananawagan ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) para sa mas malaking dagdag sahod para sa mga manggagawa sa bansa.
Giit ito ng labor group upang matugunan ang mataas na cost of living sa sektor ng manggagawa.
Ayon kay TUCP Vice President Luis Corral, ang Php 35 daily wage increase na inaprobahan kamakailan ng wage board ay hindi nakasabay sa inflation at nag-iwan sa mga manggagawang Pilipino na nahihirapang makayanan ang mga gastusin.
Apela ng TUCP sa wage boards na isaalang-alang ang lahat ng mga kadahilanan, lalo na ang pangangailangan para sa isang living wage.
Mungkahi ng labor group sa gobyerno at employers group na kumakatawan sa National Capital Region Regional Tripartite Wages and Productivity Board na bumalik sa drawing board at muling pag usapan ang mas makatotohanang pagtaas ng sahod. | ulat ni Rey Ferrer