Sasagutin ng gobyerno ang magiging kakulangan sa rice tariff collection upang magtuloy-tuloy ang ipinamamahaging assistance to rice farmers.
Ayon kay Finance Secretary Ralph Recto, inaasahang nasa P9.2 billion ang revenue loss mula sa bawas sa taripa ng imported na bigas.
Sa isang panayam sa economic briefing, sinabi ng kalihim na kanyang sinuggest sa gobyerno na dapat sagutin nito ang magiging kulang sakaling magkaroon ng revenue shortfall.
Tiniyak din nito na patuloy na makikipag-ugnayan ang Department of Finance sa Kongreso para suportahan ang pangangailangan ng mga magsasaka, upang i-improve ang local production at competitiveness.
Ang budget ng agrikultura ngayong taon ay tumaas ng 27.7 percent o P221 billion para sa modernization ng agriculture sector na siyang magtutulak sa paglago. | ulat ni Melany Valdoz Reyes