Bahagi ng BSA Twin Towers sa Mandaluyong, nasunog

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isang sunog ang sumiklab sa BSA Twin Towers sa Brgy. Wack-Wack, Mandaluyong City bandang alas-12 ng tanghali.

Mabilis na rumesponde ang Bureau of Fire Protection (BFP) Mandaluyong at itinaas sa unang alarma ang sunog.

Ayon sa BFP-Mandaluyong, alas-12:20 ng tanghali nakontrol ang sunog pero hindi pa rin idinedeklarang fire-out dahil sa makapal na usok na nagmumula sa basement parking kung saan pinaniniwalaang nagsimula ang apoy.

Pansamantalang pinalikas ang mga guest ng hotel at commercial building habang patuloy na inaalam ng BFP ang sanhi ng sunog.

Tuluyan namang naapula ang sunog pasado ala-1 ng hapon. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us