Deputy Speaker Camille Villar, pinag-iingat ang publiko sa pekeng Facebook account na ginagamit ang kaniyang pangalan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binalaan ngayon ni Deputy Speaker at Las Pinas Representative Camille Villar ang publiko kaugnay sa isang pekeng Facebook account na ginagamit ang kaniyang pangalan.

Ayon kay Villar, ang naturang scammer ay nagpapanggap na siya o kaya naman kaniyang kinatawan para manloko.

Ang modus ay mag-aalok ng business opportunity o investment at mangangako ng malaking kita.

Hinikayat din ng lady solon ang publiko, na huwag maniwala kung makatanggap ng mensahe mula sa pekeng Facebook account at agad itong i-report sa mga otoridad.

Kung ikukumpara ang pekeng FB account ni Rep. Villar sa totoong page nito ay wala itong blue check na indikasyon na ito ay verified.

“Please be aware that these claims are false and are intended to scam the public. If you have received such messages, please report them to the authorities immediately. Any legitimate business opportunities or announcements from me will be posted on our official social media accounts.” sabi ni Villar | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us