Aabot sa P20 million ang inilaang pondo para sa paghahanda sa ikatlong State of the Nation Address ng Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. sa July 22.
Sa isang pahayag sinabi ni House Sec. General Reginald Velasco na ang naturang halaga ay hindi lamang para sa pagkain ng bisita ngunit para sa kabuuang pagdaraos ng SONA.
Kabilang aniya dito ang mga paghahanda mula nang buoin ang SONA Task Force noong March 12, 2024.
“I would like to take this opportunity to clarify my recent statements regarding the budget allocated for the 2024 State of the Nation Address (SONA). There has been some misunderstanding about the figures mentioned, and I want to ensure that everyone has the correct information. The amount of P20 million I referred to represents the total budget earmarked for the preparations and execution of the SONA,” sabi ni Velasco.
Bahagi ng pag gagastusan ang pagkain para sa lahat ng tauhan ng kabahagi ng SONA gaya ng internal staff, pulis, MMDA personnel at iba pang tauhan.
Una nang sinabi ni Velasco na mahigit 2,000 bisita ang nagkumpirma na dadalo sa SONA, mayroon namang 22,000 pulis na idedeploy para sa seguridad bukod pa ito sa mahigit 2,700 na force multipliers na kinabibilangan ng MMDA, Bureau of Fire Protection, Coast Guard, BJMP at lokal na pamahalaan.
Sakop rin aniya nito ang pagkain salahatng preparatory activities at sa mismong araw ng SONA.
Ginamit rin ito sa uniporme ng nasa 2,000 secretariat employees na may tatlong set para sa mismong araw ng SONA at pang araw-araw na pasok.
Kasama rin sa pinondohan ang security personnel at equipment, pag-imprenta ng imbitasyon at token sa mga bisita, renta sa audiovisual equipment, dekorasyon gaya ng bulaklak, at iba pang gastos sa pagdaraos ng mga inter-agency coordination meetings.
Sakop rin aniya nito ang iba pang gasots tulad ng collaterals, gamit na komonikasyon at medical support.
Siniguro rin ni Velasco sa publiko na committed ang Kamara sa transparency at tamang paggugol ng pondo ng bayan.
“Every peso allocated for the SONA is carefully scrutinized and managed to reflect the significance of this Constitutionally mandated event while being conscious of public sentiments regarding the use of taxpayers’ money,” sabi ni Velasco.| ulat ni Kathleen Forbes