Pinasalamatan ng Department of Finance (DOF) si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang suporta sa bid ng Pilipinas na i-host ang Loss and Damage Fund (LDF) Board.
Ayon kay Finance Secretary Ralph Recto, ang tagumpay ng bansa ay dahil sa leadership na talakayin ang climate change sa pamamagitan ng “concrete solutions and actions”.
Sinabi ni Recto, sa pamamagitan ng pagho-host ng LDF maraming mabubuksan na oportunidad sa bansa upang ma-access ang climate finance at investment na mahalaga sa future proofing ng ekonomiya, at matiyak ang sustainable na inclusive growth para sa mga Pilipino.
Ang LDF ay global financial mechanism na dinisensyo para suportahan ang mga bansa sa kanilang response at recovery bunsod ng epekto ng climate change.
Ayon kay Recto, agad na lumikha ang Pangulo ng technical working group nitong Marso ngayong taon para paghandaan ang bid ng Pilipinas sa LDF.
Ipinamalas ng Pangulo ang commitment ng bansa na tahakin ang whole of government approach para sa climate at disaster risk resiliency. | ulat ni Melany Valdoz Reyes