NBI, nanindigan na iisa lang si suspended Mayor Alice Guo at si Guo Hua Ping; Isa pang Alice Guo na nasa record ng NBI, hinahanap na ng ahensya

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinaliwanag ng National Bureau of Investigation (NBI) na hindi maikakaila ang inilabas nilang nag match ang fingerprints nina suspended Bamban Tarlac Mayor Alice Guo at ng Chinese national na si Guo Hua Ping.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Women ngayong araw, sinabi ni NBI Head of Dactyloscopy Dr. Alfredo Kahanding, na tinatanggap sa lahat ng korte ang resulta ng fingerprint analysis.

Unique aniya ang fingerprint ng bawat tao kaya naman 100 percent silang sigurado sa resulta na ito.

Natuklasan rin na may ibang tao ring kapangalan ng kapatid ni Mayor Alice na si ‘Shiela Guo’ ang nag apply ng NBI clearance.

Sa record ng ibang Alice at Shiela Guo, parehong sa Kalantiaw Street, Quezon City ang nakalagay nilang address.

Pero nang puntahan ng NBI ang address ng mga ito ay napag-alamang walang Alice, Shiela o Wesley Guo na tumira doon kahit kailan.

Nangako naman ang NBI, na gagawin nila ang kanilang makakaya para matunton ang mga personalidad na ito. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us