3 Chiefs of Police ng Davao City Police Office, naghalinhinan sa loob lamang ng isang araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Itinalaga mismo ni Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Rommel Francisco Marbil si Police Colonel Hansel Marantan bilang Acting Director ng Davao City Police Office.

Ito’y matapos bumaba ang kautusan mula sa Directorate for Personnel and Records Management (DPRM) sa Kampo Crame hinggil sa pagtatalaga kay Marantan sa nasabing posisyon kagabi.

Pinalitan ni Marantan si Police Colonel Sherwin Butil na naupo lamang sa puwesto sa loob lamang ng limang oras kahapon.

Si Butil ang pumalit naman kay Police Colonel Lito Patay na naupo lamang din sa puwesto sa loob lamang ng apat na oras.

Magugunitang bago italaga sa Davao City Police Office, nanungkulan muna si Marantan bilang Pinuno ng Criminal Investigation and Detection Group – National Capital Region (CIDG-NCR).

Una rito, ipinag-utos ni Police Regional Office 11 Director, Police Brigadier General Nicolas Torre III ang pagsibak sa 19 na Station commander ng nabanggit na himpilan ng Pulisya dahil sa hindi tamang datos sa mga kasong kanilang hinahawakan.

Magugunitang gumanap ng mahalagang papel si Marantan sa paghawak nito sa kaso ng pagpatay kay dating Negros Oriental Governor Roel Degamo kung saan naman, itinuturong utak dito si dating Representative Arnulfo Teves Jr. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us