PAGCOR, di na pahintulutan ang POGO ops sa malalaking compound

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipagbabawal na ng Philippine Amusement ang Gaming Corporation (PAGCOR) ang operasyon ng mga POGO (Philippine Offshore Gaming Operators) sa malalaking compound.

Ibinahagi ni PAGCOR Chair and CEO Alejandro Tengco ang bagong panuntunan na ito sa naging pagdinig ng Senado kahapon.

Ayon kay Tengco, bahagi ito ng kanilang hakbang para mapigilan na ang krimen na inuugnay sa mga POGO sa bansa.

Maliban dito, magtatalaga na rin aniya ang PAGCOR ng mga team na 24/7 na magmo-monitor sa 43 POGO hub na mayroong lisensya sa ngayon. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us