Nakatakda nang mag-validate ang Department of Agrarian Reform (DAR) ng 500 ektarya ng lupa sa ilalim ng Support to Parcelization of Lands for Individual Titling (SPLIT) Project sa Carmen, North Cotabato.
Ayon sa DAR, inaasahang makikinabang rito ang 218 agrarian reform beneficiaries (ARBs) na mabibigyan na ng tituto ng lupa.
Ang Project SPLIT ay ang paghahati-hati ng mga lupain at pag-iisyu ng mga indibidwal na titulo sa mga ARBs na dati nang ginawaran ng lupain sa ilalim ng collective certificates of landownership award (CCLOAs).
Kinumpirma ni Provincial Agrarian Reform Program Officer Evangeline Bueno na ang validation team mula sa Project SPLIT ay magva-validate ng may 580.051 ektarya ng CCLOA na sumasaklaw sa mga lupain sa Malapag, Carmen.
Kaugnay nito, nagkaroon na ng pulong ang DAR sa mga benepisyaryo at stakeholders, at binigyang tugon ang kanilang mga pag-aalangan at katanungan sa proyekto. | ulat ni Merry Ann Bastasa