Nagpaabot ng pagbati si House Ways and Means Committee Chair Joey Salceda sa administrasyong Marcos sa matagumpay nitong bid para maging host ng Loss and Damage Fund (LDF) Board sa ilalim ng UN Framework Convention on Climate Change.
Sabi ni Salceda na naging kauna-unahang Asian co-chair ng UN Green Climate Fund, ang pagiging host ng Pilipinas ng LDF ay mag bibigay access sa bansa safinancial resources para sa climate change adaptation and mitigation measures.
Punto ni Salceda, hindi maiiwasan ang loss and damage dahil sa epekto ng climate change sa kabila ng mga adaptation and mitigation measures.
Kaya dalat lang panagutin ang mga malalaking industrialised na bansa sa epekto nila sa climate-vulnerable communities.
“As a former delegate to the UNFCCC, alongside many Filipino experts, we fought for the principle of loss and damage and why it needs compensation. Loss and damage are adverse impacts of climate change despite They are, in other words, the unavoidable losses due to the fault primarily of industrialized countries.And because it is both inevitable and attributable, the principle is that we should hold large industrialized countries accountable for loss and damage to climate-vulnerable communities.” sabi ni Salceda
Hinimok din ni Salceda ang Marcos administration na maging agresibo sa posisyon ng Pilipinas sa naging climate talks noong 2022, matapos manalasa ang bagyong Paeng.
Sabi ng Albay solon mas may moral ascendancy ang Pilipinas hinggil sa climate talkz dahil tayo ang pinaka vulnerable o lantad na bansa sa buong mundo at lider din sa disaster risk reduction at climate change adaptation.
“Hosting the LDF Board gives us a platform to highlight the true scale of the problem and to call for proportionate action from the leading economies of the world — those who benefited from the emissions the most.” ani Salceda
Maliban sa pagiging host ay mayroon ding posisyon ang Pilipinas sa LDF Board. | ulat ni Kathleen Forbes