AFP, magpapadala ng mga bagong defense attaché sa China

Facebook
Twitter
LinkedIn

Malugod na tinanggap ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang mga incoming Defense and Armed Forces attache (DAFA) na ipapadala ng AFP sa iba’t ibang bansa, sa kanilang courtesy call ngayong araw sa AFP General Headquarters sa Camp Aguinaldo.

Kabilang dito sina: Captain Arnold Fortin, incoming DAFA to China; Colonel Michael Ramil Cabusas, incoming Assistant DAFA to China; at Col. Ronald Gaboy, incoming DAFA to Vietnam.

Sa pakikipag-usap ni Gen. Brawner sa mga DAFA, binigyan niya ang mga ito ng “guidance” upang mapahusay ang relasyon ng AFP sa kani-kanilang host country.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Colonel Xerxes Trinidad, ang mga DAFA ang nagsisilbing “point of contact” ng mga dayuhang bansa sa mga isyung pandepensa at seguridad na may kinalaman sa Pilipinas.

Sinabi ni Trinidad, na ang pag-deploy ng mga DAFA ay bahagi ng commitment ng AFP na palaganapin ang “good will” sa ibang mga bansa bilang bahagi ng international defense and security engagements ng militar. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us