Ipagbabawal na ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang operasyon ng POGO (Philippine Offshore Gaming Operators) sa malalaking compound.
Ibinahagi ni PAGCOR Chairperson and CEO Alejandro Tengco ang bagong panuntunan na ito sa naging pagdinig ng Senado kahapon.
Ayon kay Tengco, bahagi ito ng kanilang hakbang para mapigilan na ang krimen na iniuugnay sa mga POGO sa bansa.
Maliban dito, magtatalaga na rin aniya ang PAGCOR ng mga team na 24/7 na magmo-monitor sa 43 POGO hub na mayroong lisensya sa ngayon. | ulat ni Nimfa Asuncion