Itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang top banker na si Walter Wassmer bilang miyembro ng Monetary Board ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Velicaria-Garafil, bago pumasok sa pribadong sektor, si Wassmer ay naging consultant at non-executive director, senior EVP, at institutional banking group head ng BDO Unibank, Inc.
Si Wassmer ay dati na ring nagsilbi bilang Senior Vice President ng Far East Bank and Trust Co. mula 1986 hanggang 1997.
Naglingkod na rin ito bilang Assistant Vice President ng Union Bank of the Philippines mula 1983 hanggang 1986; at Corporate Account Officer ng Bancom Finance Corporation mula 1980 hanggang 1982.
“Additionally, Wassmer was a Corporate Account Officer at IFC Leasing and Acceptance Corp. from 1979 to 1980.” —Sec Garafil. | ulat ni Racquel Bayan