Posisyon ng DOF at NEDA na ganap nang i-ban ang mga POGO sa bansa, welcome kay Sen. Villanueva

Facebook
Twitter
LinkedIn

Napapanahon nang tuluyang ipagbawal ang operasyon ng mga POGO sa Pilipinas.

Ito ang naging pahayag ni Senador Joel Villanueva kasabay ng pagpuri sa rekomendasyon nina Department of Finance (DOF) Secretary Ralph Recto at ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan sa kanilang posisyon tungkol sa mga POGO.

Umaasa si Villanueva, na matatalakay ang posisyon na ito ng economic managers ng gobyerno sa susunod na magiging cabinet meeting kasama si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Pinuri rin ni Villanueva ang plano ng Department of Labor and Employment (DOLE), na tulungan ang nasa 22,000 na manggagawa na mawawalan ng trabaho sakaling ganap nang ma-ban ang mga POGO sa bansa.

Giit ng senador, walang katumbas na salapi ang talamak na krimen na kaakibat ng mga POGO.

Aniya, dapat lang na unahin ang kapakanan at kaligtasan ng taumbayan. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us