Pursigido ang Clark International Airport Corporation (CIAC) na masimulan na ang pagtatayo ng National Food Hub na isa sa priority projects sa Clark aviation complex.
Sa Build Better More Infra Forum ng PCO, iniulat ni CIAC president Arrey Perez na nakipagpartner na ito sa Asian Development Bank (ADB) at Public-Private Partnership Center (PPP Center) para sa technical guidance sa pagbuo ng 62-ektaryang food hub.
Sa naturang partnership, magbibigay ng market-facing transaction advisory services at technical assistance ang ADB sa CIAC kung saan kabilang ang pre-tender documents.
Nakapaloob sa National Food Hub ang state-of-the-art modernized agro-logistics system na layong matulungan ang mga magsasaka, at gawing accessible at abot kaya ang pagkain.
Alinsunod ito sa direktiba ni Pang. Ferdinand R Marcos Jr., tungo sa food security.
Inaasahan naman ng CIAC na makumpleto ang feadibility study para sa naturang proyekto sa 2025. | ulat ni Merry Bastasa