Muling nagbigay paalala ang Lungsod ng Taguig patungkol sa mahigpit na pagbabawal nito sa paninigarilyo at pa-vape sa mga pampublikong lugar alinsunod sa umiiral na ordinansa.
Ayon sa City Ordinance No. 15 Series of 2017, ipinagbabawal sa mga negosyo ang pagpapahintulot o hindi pagsuway sa mga naninigarilyo o nagbe-vape sa kanilang mga lugar maliban nalang sa mga itinalagang smoking area.
May nakatakda naman parusa para sa lalabag sa nasabing ordinansa:
• First offense: ₱1,000.00 na multa
• Second offense: ₱3,000.00 na multa
• Subsequent offenses: ₱5,000.00 na multa o pagkakakulong nang hindi lalagpas sa 30 araw, kasama ang posibleng pagkansela ng mga business permits at lisensya.
Hinihikayat ng lungsod ang lahat na magtulungan upang mapanatiling smoke at vape-free ang Taguig.
Para sa karagdagang impormasyon o upang i-report ang mga paglabag,maaring makipag-ugnayan sa Taguig Smoke Free Task Force sa numero bilang 0917 833 1327. | ulat ni EJ Lazaro