Umaasa ang kampo ni Bamban Mayor Alice Guo na kakatigan ng Korte Suprema ang kanilang inihaing Petiton for Certiorari.
Ayon kay Atty Nicole Jamilla, legal counsel ng alkalde, sa paraang ito mapipigilan ang Senado na ipatawag si Guo sa mga pagdinig tungkol sa iligal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Bamban, Tarlac.
Inamin ni Atty. Jamilla na wala pa silang natatanggap na kopya ng warrant of arrest para sa alkalde mula sa Senado.
Bago ito, inaasahan na nila na maglalabas ng warrant of arrest ang Senado matapos bigong makadalo si Guo sa mga nagdaang pagdinig dahilan para ma-cite ito for contempt.| ulat ni Rey Ferrer