Ipinagdiwang ng 181 na mag-aaral mula sa Taguig ang kanilang pagtatapos mula sa Special Training for Employment Program (STEP) ng TESDA matapos isagawa ang kanilang graduation rites kahapon, July 12.
Ang mga nasabing mag-aaral ang unang batch ng mga nagsipagtapos ng programang STEP ng TESDA sa lungsod kung saan nakamit ng mga ito ang National Certification Level II sa bread and pastry production, electrical installation and maintenance, at construction painting.
Ang inisyatibong ito ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan sa mga opisina nina Senator Alan at Pia Cayetano na naglalayong pahusayin ang kasanayan para sa sariling pagkakakitaan at pagnenegosyo.
Binigyang diin naman ni Mayor Lani Cayetano ang suporta ng lungsod para sa ikauunlad ng mga residente nito.
Maliban sa mga certificate ay nabigyan din ng allowance ang mga nagsipagtapos na mag-aaral habang binigyan ng special recognition ang mga itinuring na mga top performers.
Nagpasalamat naman ang mga nagsipagtapos na mag-aaral dahil sa isinagawang programang ito sa lungsod.| ulat ni EJ Lazaro