Hinimok ni Land Transportation Office (LTO) chief, Vigor Mendoza II ang mga motorista na gamitin ang “Aksyon on the Spot 09292920865” para sa mabilis na pag imprenta ng plastic-printed driver’s license.
Partikular na tinukoy ni Mendoza ang mga motorista na hindi pa nakukuha ang kanilang plastic-printed driver’s license sa LTO.
Maari aniyang nilang i-scan o kuhanan ng litrato ang kanilang paper-printed driver’s license at ipadala sa Viber platform ng “Aksyon on the Spot 09292920865.”
Pagtiyak ni Mendoza ang mabilis na pag imprenta ng driver’s license sa Central Office at may option pa kung nais nilang ipadala sa accredited courier service ng LTO.
Base sa datos ng LTO, 5% ng naapektuhan ng backlog ang hindi pa nakakuha ng kanilang plastic-printed driver’s license.
Apela ni Mendoza sa kanila na kuhanin na ang kanilang plastic-printed driver’s license.
Aniya, natugunan na ng LTO ang milyung-milyung backlog sa paper-printed driver’s license, kaya dapat lang na magkaroon na ng plastic-printed driver’s license ang mga motorista.| ulat ni Rey Ferrer