Inaasahang mapapabuti ang sitwasyon sa lugar malapit sa area ng San Fernando Bridge sa Maynila matapos matapos makumpletong ma-install ng Department of Public Works and Highways (DPWH) – North Manila District Engineering Office ang isang booster pump sa Estero de Binondo.
Layunin ng nasabing proyekto na mapabilis ang pagdaloy ng tubig-baha mula sa area tuwing panahon ng malalakas na ulan.
Ayon sa DPWH-NCR, mas ligtas na ngayon ang mga residente na malapit sa lugar dahil sa makabagong imprastruktura na may kakayahang mag-handle ng malaking volume ng tubig na nagdudulot ng panganib at pagkasira ng mga ari-arian.
Ipinapakita rin umano ng proyektong ito ang dedikasyon ng DPWH-NCR sa pagpapalakas ng mga estero sa buong rehiyon, patungo sa mas matatag at ligtas na Bagong Pilipinas.| ulat ni EJ Lazaro