Iginagalang ng Philippine National Police (PNP) ang pasya ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na i-veto ang panukalang batas na nagsusulong ng reporma sa hanay ng Pulisya.
Sa isang pahayag, sinabi ng PNP na nauunawaan nila ang mga pangamba ng Punong Ehekutibo hinggil sa pagpapanatili ng patas at pagkakapantay-pantay sa kompensasyon ng mga Pulis.
Gayundin ay makaaapekto sa burukrasya sa hanay ng Pulisya maging ang posibleng panganib sa seguridad.
Tinitiyak din ng PNP na kanilang ikukonsidera ang mga obserbasyon ng Pangulo at makikipagtulungan sa administrasyon gayundin sa Kongreso na bumalangkas ng mas angkop na batas na magpapapatatag sa hanay ng Pulisya sa halip na makasagabal.
Giit pa ng PNP, welcome para sa kanila ang anumang reporma na makapagpapaganda sa kanilang operasyon at magpapataas sa tiwala ng publiko kaya’t mananatili silang matatag sa paglingkuran at ipagtanggol ang mga Pilipino.
Patuloy ding maninindigan ang PNP sa pagpapatupad ng batas, pananatilihin ang propesyunalismo sa kanilang hanay at tiwala silang makakamit ang mas epektibong reporma sa pamamagitan ng bukas at nagkakaisang hakbang.| ulat ni Jaymark Dagala