Halos 500 arestado; 114 armas narekober sa isang lingoong operasyon ng CIDG

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinaigting ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang kanilang Anti-Criminality Operations alinsunod sa direktiba ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr.

Iniulat ni CIDG Director Police Brig. Gen. Romeo Caramat na mula Abril 25 hanggang Abril 30, naglunsad ang CIDG ng 527 operasyon sa iba’t ibang panig ng bansa.

Kabilang aniya sa mga naaresto sa pagpapatupad ng Oplan Pagtugis ang 49 na Regional, 43 provincial, at 40 Municipal at City level Most Wanted Persons (MWP), at 238 na Other Wanted Persons (OWPs).

Sa kampanya naman laban sa loose firearms o Oplan Paglalansag Omega, 88 ang naaresto at 114 baril, limang pampasabog, at samu’t saring mga bala ang narekober.

Habang naaresto naman ang 19 na economic saboteurs, 14 na environmental law violators, 7 petroleum smuggler, at 63 iba pang suspek sa iba’t ibang law enforcement operations.

Ayon kay Caramat, ito ay testamento sa suporta ng CIDG sa adhikain ng PNP Chief at ng pambansang liderato na gawing maayos at ligtas ang mga komunidad para sa mga mamayan. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us