PNP, may hawak nang lead sa kinaroonan ng iba pang kapwa akusado ni Quiboloy

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiwala ang Philippine National Police (PNP) na matutunton at masasakote na rin ang iba pang kapwa akusado ni Kingdom of Jesus Christ Founder, Pastor Apollo Quiboloy.

Ito ang pagtitiyak ng PNP kasunod na rin ng pinaigting na pagtugis ng Pulisya makaraang maaresto si Paulene Canada na dawit sa kasong Qualified Human Trafficking noong isang linggo.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo, sinisiguro ng binuong tracking team na coordinated ang bawat galaw nila upang hindi mauwi sa bulilyaso ang kanilang operasyon.

Sa katunayan, hindi lamang ang Police Regional Office 11 ang tumutugis sa iba pang akusado sa kaso kungdi maging ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Kasunod niyan, binigyang-diin ni Fajardo sumusunod lamang sila sa utos ng korte bilang tagapagpatupad ng batas at hindi nila layunin na hatulan si Pastor Quiboloy at iba pang kapwa akusado nito na tila ipinako na sa krus ng pampublikong opinyon. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us