DSWD, nakapaglaan na ng halos ₱8-M tulong sa mga apektado ng habagat sa Mindanao

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aabot na sa halos ₱8 milyon ang halaga ng humanitarian assistance na naihatid ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lugar na naapektuhan ng mga pag-ulang dulot ng southwest monsoon o habagat.

Ayon sa DSWD, inilaan ang ayuda sa mga apektadong barangays sa Zamboanga Peninsula, Soccsksargen at sa BARMM.

As of July 15, umakyat pa sa halos 75,000 pamilya o 361,551 indibidwal ang naapektuhan ng mga pag-ulan.

Nadagdagan na rin sa 5,000 na pamilya o katumbas ng 18,831 na indibidwal ang pansamantalang nananatili ngayon sa 51 evacuation centers.

Una nang pinangunahan ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang pamamahagi ng tulong sa mga naapektuhan ng malakas na pag-ulan at pagbaha sa Lanao del Norte. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us