6 PDLs sa Davao, nagtapos sa kolehiyo sa tulong ng College Education Behind Bars

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa kabila ng pagkakabilanggo, ay nagawang makapagtapos at magkamit ng college degree ang anim na Persons Deprived of Liberty (PDLs) mula sa Davao Prison and Penal Farm (DPPF).

Ito ay sa ilalim ng College Education Behind Bars (CEBB), na partnership program sa pagitan ng gobyerno, Non-Governmental Organizations (NGOs), at State Universities and Colleges (SUCs).

Personal na dinaluhan ni Commission on Higher Education (CHED) Secretary Popoy De Vera ang pagtatapos ng mga ito sa Davao del Norte State College (DNSC).

Punto nito, gaya ng mahigit dalawang milyong kabataang Pilipino sa labas, sa pamamagitan ng CEBB ang mga PDL ay nabigyan ng oportunidad na makapag-aral at makapagtapos sa kolehiyo ng libre.

Kaugnay nito, hinikayat naman ni De Vera ang iba pang HEIs na makiisa sa programa para mabigyan pa rin ng pagkakataon sa edukasyon, maging ang mga PDLs.

“I encourage USeP and DNSC to document their delivery of the CEBB program in order to encourage other HEIs across the country to replicate and launch similar initiatives in their respective localities. We need to have more of this to ensure that in our education mission no one Filipino is left behind,” ani De Vera.

Sa kabuuan, aabot na sa 88 PDLs ang nakapagtapos sa ilalim ng CEBB program habang 157 estudyante naman ang mag-eenroll ngayong SY 2024-2025. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us