Promosyon ng 2 senior officer, pinangunahan ng AFP Chief

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pormal na iginawad ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang promosyon ng dalawang senior officer ng AFP sa seremonya sa Camp Aguinaldo.

Dito’y tinanggap ni Lieutenant General Luis Rex Bergante PA ang kanyang pangatlong estrella; habang iginawad naman kay Brigadier General Ferdinand Marcelino ang kanyang unang estrella.

Si Lt. Gen. Bergante ay una nang iniluklok bilang Commander ng Eastern Mindanao Command (EASTMINCOM) noong nakaraang buwan.

Si Bgen. Marcelino naman ang nag-take over bilang The Provost Marshal General (TPMG) ng AFP simula noong Mayo.

Sa kanyang mensahe, binati ni Gen. Brawner ang dalawang bagong-promote na opisyal kasabay ng pagbibigay diin na kasama sa pag-angat ng ranggo ang mga karagdagang responsibilidad.

Hinamon ni Gen. Brawner ang mga opisyal na panatilihin ang kapayapaan at tutukan ang territorial Defense Operations sa kani-kanilang nasasakupan. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us