Kooperasyon ng Pilipinas at Indonesia sa military resilience at national security, isinulong

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isinulong ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kooperasyong pandepensa ng Pilipinas at Indonesia sa pamamagitan ng pakikipagpalitan ng kaalaman at “best practices” sa larangan ng “military resilience” at “national security strategy.”

Ito’y sa pagbisita ng 32-miyembrong delegasyon mula sa National Resilience Institute of the Republic of Indonesia (Lemhannas) na pinamunuan ni Air Vice Marshall Hesly Paat sa Camp Aguinaldo kahapon.

Ang Indonesian delegation ay malugod na tinanggap ni AFP Vice Chief of Staff Lt. Gen. Arthur Cordura sa punong tanggapan ng Sandatahang Lakas.

Sa pagpupulong ng mga opisyal, tinalakay ang national defense policies ng dalawang bansa at mga stratehiya kung saan binigyang-diin ang kahalagahan ng pagpapalakas ng regional cooperation.

Ang pagbisita ng Indonesian delegation ay bahagi ng serye ng aktibidad sa ilalim ng
Overseas Strategic Study Program, na layong palawakin ang kaalaman ng mga kalahok sa iba’t ibang pambansang polisiyang ipinatutupad ng mga bansa sa Southeast Asia. | ulat ni Leo Sarne

📸: SSg Amagan and SSg Ambay/PAOAFP

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us