BFAR, ibayong paghahanda na rin ang ginawa sa harap ng nagbabadyang El Niño

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naghahanda na ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa hamon na idudulot ng El Niño sa sektor ng pangisdaan.

Ayon kay BFAR National Director Demosthenes Escoto, binabantayan nila ang magiging epekto ng sobrang init ng panahon sa lokal na supply ng isda.

Paliwanag nito na may mga uri ng isda ang may kakayahang mabuhay sa gitna ng sobrang init, at mayroon namang mahihina na kayanin ang epekto nito.

Binigyang halimbawa nito ang tuna at sardinas na may kakayahang makaakma sa mainit na temperatura.

Pero, malaking hamon naman ito sa pag-aalaga ng bangus at tilapia.

Ang pagkatuyo ng water level ay magpapahina sa dissolved oxygen na kailangan sa maayos na paninirahan ng naturang land based aqua culture species.

Pagtiyak pa ni Escoto, na nakahanda na ang BFAR sa pagpapatupad ng aqua culture practice para maiwasan ang insidente ng fish kill sa mga fish cage. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us