Nanindigan si Department of Health (DOH) Officer in Charge Ma. Rosario Vergeire, na hindi dapat ikabahala ang naitalang pagtaas sa kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa pagharap ng DOH sa House Committee on Appropriations nagbigay ng update ang opsiyal hinggil sa kasalukuyang COVID-19 situation ng bansa.
Aniya, sa kasalukuyan ay nakakapagtala ng 822 COVID-19 cases kada araw.
Karamihan naman dito ay mild at asymptomatic.
Habang nasa 8 percent hanggang 9 percent lamang ang severe at critical.
Pagdating naman sa healthcare utilization ay mas mababa ito sa 20% percent, ibig sabihin walang masyadong na-oospital.
Ang binabantayan aniya nila sa ngayon ay ang mga ospital na may kakaunting bed capacity.
Inihalimbawa nito na kung ang isang ospital ay mayroon lamang tatlong ICU beds at ma-okupa ito lahat ay otomatikong magiging 100% na ang hospital utilization rate. | ulat ni Kathleen Forbes