Nakatakda na ring ipamahagi ng Quezon City government ang learning kits para sa Kinder hanggang Grade 12 na mag-aaral sa mga pampublikong paaralan sa lungsod.
Kasama ito sa regular na tulong ng LGU para makabawas sa gastusin ang mga magulang at masigurong may sapat na kagamitan ang mga estudyanteng magbabalik eskwela.
Ayon sa LGU, laman ng bawat learning kits ang iba’t ibang school supplies base sa kanilang grade level, tulad ng notebooks, ballpens, pencil, crayons, clay, note pads, alcohol dispenser, small whiteboard, marker, tumbler, at iba pa.
Target ng LGU na makapamahagi ng 440,000 learning kits para sa SY 2024-2025.
Mula naman noong 2020, umabot na sa higit sa dalawang milyong learning kits ang naipamigay ng QC LGU. | ulat ni Merry Ann Bastasa
📸: QC LGU