Marcos Jr. Administration, nakatutok sa mga programang tutulong sa mga Pilipino na magkaroon ng sariling bahay

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinihikayat ng Government Service Insurance System (GSIS) ang mga miyembro nito na tangkilikin ang Maginhawang Pabahay sa Bagong Pilipinas program ng tanggapan.

Sa pre SONA briefing, sinabi ni GSIS President Jose Arnulfo Veloso na alinsunod ang programang ito sa mandato ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tulungang magkaroon ng sariling bahay ang bawat Pilipino sa ilalim ng Bagong Pilipinas.

“Isang karapatan ng mamamayan ay magkaroon ng dignidad at sariling bahay, kaya’t tayo po ay tumutugon sa instruksiyon ng ating pangulo tungkol sa bagong Pilipinas na magkaroon ng bahay ang bawat mamamayang Pilipino.” —Veloso.

Karaniwang problema kasi aniya ng mga Pilipino na hindi makabili ng sariling bahay ay ang mabigat na downpayment para dito.

Ito mismo aniya ang tinugunan nila sa ilalim ng Maginhawang Pabahay sa Bagong Pilipinas.

Dito binibigyan ng opsyon ang mga miyembro na maghulog kada buwan, sa loob ng 25 taon, na maliit lamang ang halaga.

“Ang atin pong GSIS, mga 30 to 40 years back ay nagpahiram po tayo sa mga housing developers at nagkaroon ng mga krisis in between at hindi po sila nakabayad – napunta sa GSIS itong mga na-foreclose na mga property.” —Veloso.

Nasa PhP10, 000 to PhP20, 000 aniya ito, depende sa bahay o housing unit na kukuhanin ng miyembro.

“Ikaw ay magreretiro ka ng 65, bago ka magretiro dapat ma-zero out natin iyan. Ngunit kung hindi pa kaya sapagkat ikaw ay nag-apply na medyo may edad ka na, bibigyan natin ng pagkakataon na ikaw ay makahanap ng isang next of kin, na magkaroon ka ng pipirma at sasagutin ang natitirang pagkakautang mo. Kapag ikaw naman ay sumakabilang-buhay na, eh ito ring mga next of kin naman ang makikinabang. At sinasabi natin, bakit hindi mo na bigyan ng pagkakataon na sila rin ay makibahagi para hindi mabigat.” —Veloso.

Sa San Jose del Monte, Bulacan, mayroon aniyang higit 3,000 na housing units ang available.

12:56 – 13:10

“Gusto ko pong ipaalam sa inyo, mayroon po diyan mahigit na tatlong libo dito po sa Bulacan. Kapag ito pong MRT ay matapos na po’t makita ninyo na iyan, ubos na ho iyan. Kaya kung ako ho sa inyo, mga aking ka-kawani sa gobyerno, puntahan ho ninyo diyan sa Bulacan – mahigit tatlong libo po mayroon po diyan sa San Jose Del Monte.” —Veloso.

Sabi ng opisyal, nitong Lunes pa lamang inilungsad ang programang ito, ngunit nasa 1, 000 na aniya ang GSIS members na dumulog sa kanilang tanggapan para dito.

“Mayroon po tayo diyan na mga pabahay nagsisimula may 50 square meters na lupa pero 100 square meters ang total na bahay. Mayroon din naman po tayo diyan na 100 square meters ang lupa; wala hong lumalampas ng 200 square meters.” —Veloso. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us