PNP, pinaalalahanan ang mga magra-rally sa Lunes na bawal magsunog ng effigy

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aarestohin ng Philippine National Police (PNP) ang sinumang magsusunog ng effigy sa pagsasagawa ng kilos-protesta sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Lunes.

Ito ang inihayag ni PNP Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo kasabay ng pagsabi na ang pagsusunog ng anumang bagay sa lansangan ay ipinagbabawal ng Section 13 ng Batas Pambansa (BP) 880.

Sinabi ni Fajardo na istriktong ipatutupad ng PNP ang batas dahil sa panganib sa publiko at posibleng perwisyo sa mga motorista ng pagsusunog ng effigy sa lansangan.

Bukod dito, ay nagdudulot pa aniya ito ng polusyon sa kapaligiran.

Binigyang-diin ni Fajardo na hindi ito pagsikil sa kalayaan ng mga magsasagawa ng kilos protesta, dahil may limitasyon ang “freedom of expression” kung ito ay lumalabag sa batas.  | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us