Naaresto sa magkasunod na pinagsanib na operasyon ng Philippine Naval Intelligence at National Bureau of Investigation ang dalawang notorious hacker na responsable sa pag-hack ng Philippine Navy database.
Kinilala ang mga suspek na si Alyas “HAXINJA,” na nahuli sa operasyon sa Cagayan De Oro City noong July 16; at si “D4rkJ1n,” na nahuli naman sa Cubao, Quezon City sa araw ding iyon.
Si “HAXINJA” ay itinuro ng isa pang hacker na si alyas “NEWBIEXHACKER” na unang naaresto sa Tagaytay City noong July 8, na nagbibigay umano sa kanya ng “code-protected file” mula sa na-hack na database ng Philippine Navy.
Nahuli naman si “D4rkJ1n” sa tulong ng isang “person of interest” sa kaso na empleado mismo ng Philippine Navy, na boluntaryong nakipagtulungan sa mga awtoridad.
Si “D4rkJ1n,” ay umaming founder ng Blood Security International hacking syndicate, na siyang responsable sa pag-hack ng Commission on Elections noong 2016 at iba pang ahensya ng pamahalaan. | ulat ni Leo Sarne