Seguridad para sa ikatlong SONA ni Pres. Marcos Jr, plantsado na — PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

All systems go na para sa Philippine National Police (PNP) ang latag ng seguridad para sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ito ang pagtitiyak ni PNP Chief, Police General Rommel Francisco Marbil katuwang ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para siguruhing ligtas ang publiko para sa naturang okasyon.

Sa kaniyang ginawang Command Visit sa Police Regional Office 4A kahapon, sinabi ni Marbil na bagaman wala silang namo-monitor na banta ay hindi pa rin sila magbababa ng kalasag sa anumang posibleng mangyari.

Pagtitiyak pa ng PNP chief, nakahanda sila sa iba’t ibang hamon at hindi naman nila hahayaang magkaroon ng hindi magandang sitwasyon gaya ng nangyari sa mga nakalipas na SONA.

Sa panig naman ni PNP Public Information Office Chief, Police Colonel Jean Fajardo, maliban sa 22,000 ipakakalat na pulis at force multipliers, naka-standby din ang tinatawag na “Manila Shield.”

Ito ang Reactionary Standby Support Force (RSSF) mula sa Central at Southern Luzon na siyang magse-secure sa mga lagusan papasok at palabas ng National Capital Region (NCR). | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us